Ex with Benefits 2

Chapter 37



Chapter 37

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman agad kaming pumasok sa loob ng hospital. Nang makapasok kami sa kwarto ni Papa ay nakatulog na ata si Venice sa pagbabantay dito. Nagising siya ng isara ni Adam ang pinto.

"You're here," sabi ni Venice. Sumilip siya sa bintana. "Umuulan pala." Bumaling ulit siya sa aming dalawa. Tumingin siya sa mga mata ko at huminga ng malalim. "Oh, I see. Kaya nyo na naman sigurong dalawa rito, right? Aalis na ako," paalam niya.

"Nagugutom ka ba?" tanong ni Adam nang makaupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama ni Daddy.

Umiling ako at umupo siya sa couch. Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isip ko ang mga sinabi ni Adam kanina.

Anika is her half-sister.

Anika is her half-sister.

Anika is her half-sister.

Tiningnan ko si Adam at tinitingnan niya rin ako.

Pero bakit hindi mo kaagad sinabi na kapatid mo si Anika? Sigaw ng utak ko.

"Dahil huli na din nang malaman ko," sagot ni Adam.

Wait. Did I just say it out loud?

"I know how much you admire my Dad, Arkisha. You once told me that my Dad was the perfect father you never had. Nagmula ka sa isang broken family. Iniwan kayo ng Daddy mo noon, samantanlang ang Daddy ko naman ay mahal na mahal ang Mommy ko and you even witnessed it, right?"

I nod.

"Ilang taon ka na bang nakakasama namin tuwing may family gatherings? Nakikita mo kung gaano kasweet ang Mommy at Daddy ko. At nang halos mawala ang company namin noon, kundi dahil sa Daily Routine, nakita mo kung gaano naging masikap si Daddy para maisalba ang kumpanya namin."

He's right. I admire his Dad so much at sobrang cool pa. Mahal na mahal nito ang kambal kaya naman magaan talaga ang loob ko sa Daddy ni Adam.

"He was so perfect in your eyes, Arkisha na kahit ako humahanga din sa kanya. Kaya naman sobrang nasaktan ako nang kinutuban ako na may babae si Daddy. Alam kong masasaktan ka kapag sinabi ko sayo ang kutob ko tungkol kay Anika noong mga panahong tumatawag siya sa cellphone ko at ikaw ang nakakita. Noong mga panahon na yon, hindi ko pa alam na kapatid ko siya. Ang akala ko pa lang noon eh kabit siya ng Daddy ko. Sinabi ko na lang sa'yo na isa sa mga kliyente ko dahil iniimbestigahan ko pa lang siya."

"Noong birthday ni Luigi, naalala mo ba na late ako dumating?" tanong niya.

Kinabahan ako bigla. Ito ang araw na nawala ang anak ko. Nababasa ko sa boses niya na hirap din siyang banggitin ang topic na 'to. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga nangyari nang araw na yon.

"Saan ka ba galing kagabi?" malumanay kong tanong.

Baka kasi kapag iba ang way ng pagtatanong ko at hindi pagalit ay may makuha akong hint kung saan ba talaga siya galing kagabi.

"Nakipag-meet lang ako sa isang kliyente," sagot niya.

Nabigo ako.

Iyon naman kasi palagi ang sagot niya. Pero kapag itinatanong ko sa kanya kung sino ang kliyente..

"Arkisha, alam mo naman na maraming kliyente ang CGC, gusto mo bang isa-isahin ko? Paulit-ulit na naman ba tayo?"

Hindi ko na siya nakayang tingnan at naupo ako sa kama. Nakita kong umilaw ang screen ng phone ni Adam na nakapatong sa table sa tabi ng kama. Pasimple kong binasa kung sino ang nagtext.

1 new message

Anika

"May meeting ka ba ulit mamaya sa isa sa mga kliyente mo?" tanong ko.

"Siguro. Oo," sagot niya.

Iba talaga ang kutob ko eh. Hindi ako naniniwalang kliyente ang tatagpuin niya.

"Paano ang birthday ni Luigi. Magagalit sayo si Brent," sabi ko para naman tablan siya ng hiya.

Hinarap niya ako.

"Aattend pa din naman ako ng birthday ni Luigi. Pero kung sakaling hindi ako makaattend, maiintindihan ako ni Brent."

"Sinabi ko sayo na kung sakaling hindi ako makakaattend, maiinitindihan ako ni Brent, diba?"

Tumango ako.

"Alam ni Brent ang lahat. Wala akong ibang mapagkwentuhan ng tungkol kay Anika dahil ayokong masaktan ka, o ang mga kapatid ko. Natatakot akong masira ang pamilya namin kapag nalaman nina Venice at Paris na may kabit si Daddy at matanda lang ito ng ilang taon sa kanilang dalawa. Nang araw na yon, alam ni Brent na makikipagkita ako kay Anika para sabihin sa kanya na tigilan na ang pakikipagkita sa Daddy ko, pero si Daddy ang nakita ko sa tagpuan namin ni Anika. Nalaman niya na pinapaimbistigahan ko si Anika. Sinabi niya sa akin ang lahat. Doon ko nalaman na kapatid ko si Anika. Para akong isang tanga para paghinalaan ng ganun ang Daddy ko. Ang sabi niya, hindi raw niya alam kung paano sasabihin ang tungkol kay Anika. Sinabi din niya na gusto raw niyang makilala ko si Anika. Noong time na yun, bigla siyang sumulpot. Nang tingnan ko ulit si Anika habang papalapit sa amin ay iba na ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na magawang magalit. Naawa ako sa kanya. I realized na hindi ako ang biktima rito, kundi siya. Dahil siya ang lumaking walang ama."

Tumayo ako sa upuan ko at tumabi ako kay Adam. Niyakap ko siya dahil hindi ko na kayang makitang nasasaktan siya habang nagkekwento siya.

"I'm sorry, Adam. I'm sorry na wala ako sa tabi mo noong may pinagdadaanan ka. I'm sorry nasaktan kita."

"Wala kang kasalanan, Arkisha. Hindi mo kasalanan na hindi mo alam."

Tiningnan ko siya at pinahid ko ang luha sa pisngi niya.

"Nalaman ko din na may sakit pala siya at wala na siyang choice kundi lumapit kay Daddy para humingi ng tulong. Nagtagal ang pag-uusap namin kaya halos na-late ako ng dating sa birthday party ni Luigi. Doon nakita mo na naman na panay ang tawag sa akin ni Anika. Hindi ko masabi sayo ang totoo dahil gusto kitang i-surprise at ipakilala sayo si Anika. Gustong gusto ka din niyang makilala. Iniwan ko ang phone ko kay Brent dahil alam ko na hindi ka titigil ng katatanong hangga't nakikita at naririnig mong tumutunog ang phone ko. Pero siguro nga, napuno ka na at hindi kita masisisi kasi itinago ko sayo ang tungkol kay Anika."

Tinitigan niya ako sa mata.

"I can still remember the exact words you told me that night before ako mag U-turn. "Bullshit, Adam! Answer me! Sino ba si Anika? Anong itinatago mo sa akin? Bakit hindi mo masagot ang tawag niya?!"

Sinabi niya ang mga salitang yon na para bang araw-araw na sumisigaw sa utak niya. Pati yung tono ko noon, kabisado niya.

"I should've told you about her after ko malaman kung sino ba talaga siya. I should've answered your questions, Arkisha."

"I'm sorry, Adam. Naiinitindhan ko na gusto mo siyang i-surprise."

"No, I'm sorry dahil naaksidente tayo. Ako ang nagmamaneho kaya ako ang may kasalanan. I'm sorry nawala ang baby natin noon. Alam kong hindi tayo naghiwalay dahil lang kay Anika, dahil kung siya lang, alam kong mapapatawad mo agad ako. Kaya kahit sinabi ko man sayo ang totoo tungkol kay Anika matapos nating maaksidente, alam kong hindi pa rin magbabago ang nararamdaman mo dahil hindi naman si Anika ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay diba?"

Naiintindihan ko ang sinasabi niya and he was right.

"Nasaktan kita dahil ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang baby natin. Hindi kita mahawakan, ni hindi kita makausap at naiintidihan ko ang nararamadaman mo bilang ina. Pakiramdam ko sa tuwing makikita mo ako mas lalo kang nasasaktan. Mas lalo mong nararamdaman kung ano ang nawala sayo. Kaya naman noong naghiwalay tayo hindi ako tumutol dahil alam kong iyon din ang kailangan mo. Hinayaan kitang lumayo sa akin kahit alam kong hindi ko kakayanin. Mas okay ng ako na lang ang maghirap kesa araw-araw kitang nakikitang nasasaktan. Hinayaan kong maghilom muna ang sugat sa puso mo. Hinayaan kitang humiwalay sa akin dahil naniniwala ako sa pagmamahal mo sa akin. Sinabi ko sa sarili ko na babalikan kita. Lalayo lang ako pero hindi kita magagawang iwan ng tuluyan."

"Matapos ang halos dalawang taon, nang nakikita kong okay okay ka na, I decided na umuwi na ng bansa para bawiin ka. When I stepped out of the car that day and I saw you sa probinsya nyo, alam ko na agad ang hirap na pagdadaanan ko. You have no idea how much I want to hug and kiss you back then. Kahit anong paraan gagawin ko, mabawi lang kita. Kahit suyuin o pagselosin ka pa. Kahit itaboy mo pa ako noon, naniniwala pa rin ako sa pagmamahal mo."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Kulang ang yakap kong ito sa mga panahong nawala siya sa tabi ko. Kulang ang sorry na bibitawan ko para lang matanggal lahat ng sakit na naramdaman at hanggang ngayon ay nararamdaman pa din niya.

"I'm sorry naging bulag ako noon. Naging selfish ako at inisip ko na ako lang ang nawalan."

He cupped my face and he looked me in the eyes.

"God, I miss you so much! I miss you so so mu--."

Kanina pa siya nagpapaliwanag so I made him shut up by kissing him on his lips.

I miss this.

I miss him.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.