Ex with Benefits 2

Chapter 17



Chapter 17

ARKISHA’S POV

“You’re still here?” tanong ko kay Adam nang madatnan ko siya sa bahay habang nagluluto. “And you’re cooking obviously,” dagdag ko.

Hindi siya sumagot at talagang hindi ako pinapansin ha!

“Eto na ang patatas,” biglang sumulpot si Ian. Hinarap ko si Ian.

“Ahhh, culinary arts na pala ang course mo? Akala ko kasi Nursing eh,” sabi ko sa kanya.

“Bakit ang aga mong dumating?” tanong niya sa akin at iniabot niya kay Adam ang hawak niyang patatas.

“Bakit hindi ka pumasok? Alam mo bang hinintay ka ni Ellaine. Tsaka bakit ba nandito pa yan?” turo ko kay Adam na busy sa pagluluto. Ni hindi nga ako tinatapunan ng tingin eh.

“Bahay niya din to eh,” sagot ni Ian. “Bakit nga ang aga mo umuwi?”

“Namimiss niya kasi ako,” sagot ni Adam. Sinulyapan niya ako at ngumiti tapos humarap na ulit sa niluluto niya.

Binalingan ko ng tingin si Ian at nahuli ko siyang panay ang ngiti. Dapat talaga hindi nagsasama sa iisang bubong ang dalawang ito. Tinalikuran ko silang dalawa at umakyat sa kwarto ng kambal.

Namimiss niya kasi ako.

I miss him. I miss the old Adam.

(Flashback I)

2 YEARS AGO...

Itinulak ko si Adam matapos niya akong halikan sa labi, pababa sa leeg. Bigla kasing pumasok sa kwarto si Madison dala dala ang laruan niyang manika sa kaliwang kamay at hawak naman sa kabila ang naputol na braso ng manika.

“Look Daddy, wala na siyang arm,” at lumapit si Madison kay Adam sa kama.

Tiningnan naman ni Adam ang manika at inayos niya ito.

“See? Your doll looks good as new. Now go ahead, maglaro ka na sa kwarto mo,” taboy ni Adam sa bata. Tinitingnan ko lang silang dalawa.

“No. I want to play here. I want to play with you and Mommy.”

Hay, kung alam lang ng batang ‘to na naglalaro na kami ni Adam kanina at hindi siya pwedeng sumali.

“You can’t play here.”

“Go to your room now, Madi,” utos ko.

She nodded. Tumalikod na siya at naglakad palabas ng kwarto. Humarap sa akin si Adam.

“Where were we?”

Before I answered his question I asked him first to lock the door.

**

"Basta Daddy, doon ako matutulog sa room ni Tito Ian ha," paalala ni Landon while we our on our way sa probinsya.

"What? Okay. Then I will sleep at Mommy and Daddy's room," singit ni Madison.

"No. You can't sleep in our room Madi," sagot ni Adam and he winked at me. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at ibinalik na niya ang focus niya sa pagmamaneho.

"I'll ask Ian to sleep in your room na lang at iyon ay kung papayag siya. Binata na si Tito Ian nyo."

"Ako din malaki na," sagot ni Landon.

Sinalubong agad kami ni Mama pagdating namin. Kasama niyang naghihintay si Ian. Tumakbo agad dito si Landon.

"Hello there pretty girl," bati ni Jam kay Madison. Si Madi talaga una niyang binati, hindi ako. Aliw na aliw talaga siya sa bunso ko. Ang ganda raw eh. Sabi ko naman syempre kanino pa ba magmamana? Eh di sa Mommy. Si Jam talaga. Nagtaka pa!

Madison smiled at her. Buti na lang maganda ang mood ng bunso ko. Hinawakan niya ang kamay ni Jam at pumasok na sila sa loob.

"One week lang kayo rito? Bakit ang bilis naman?" reklamo ni Ian habang kumakain kami.

"May kailangan kasi akong asikasuhin sa company eh," sagot ni Adam. Tinapunan niya ako ng tingin pero ibinaling ko ang atensyon ko kay Madison na kanina pa pala kinukutsara ang alimango.

"No, baby. Halika, ipagbabalat kita," sabi ko at inabot ko ang pinggan niya.

"Sana kahit man lang two weeks. Minsan ko lang makita ang mga pamangkin ko. Kapag bakasyon lang. Ate, sige na two weeks naman please?" pangungulit ni Ian.

Ako naman ang tumingin kay Adam. Hindi niya ako tiningnan.

"Ian, ano kasi. Huwag kang mag-alala, kung gusto mo iiwanan ko ang mga bata pero aalalagaan mo sila?"

"Ate, hindi ko kayang alagaan ang dalawang yan," tutol naman niya.

"I'll be good I promise," sabi ni Landon.

Tiningnan ko si Madison. Nakatingin lang siya sa alimango at pinagmamasdan niya kung paano ko ito binabalatan.

"How about you, Madi? Gusto mo bang magpa-iwan dito?"

Umiling siya.

"I want to be with Daddy," sagot niya.

"Yes! Ako na lang!" sigaw ni Landon.

"I can take care of him," sabi ni Ian.

"Sure ka ba na kayang alagaan ni Ian si Landon dito?" pagaalala ni Adam. Naiwan kami sa sala na nanonood ng tv habang naglakad lakad naman sina Mama at Ian sa labas kasama ang dalawang bata.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Adam. God, he smells really good.

"Oo naman at tsaka nandyan naman si Mama, hindi naman niya pababayaan si Landon."

I felt his lips on my hair.

"Okay."

This will be the first time na mawawalay sa amin ang anak namin. Mabuti na lang pumayag siya. One week lang naman tapos susunduin din namin si Landon dito. Malabo talaga na magpaiwan si Madison. Daddy's girl eh. Laging kabuntot ng ama niya.

Nang bumalik na sina Mama, dinala ko na ang kambal sa banyo at nilinisan. Naiwan sa sala sina Ian at Adam. Siguro kung anu-ano na naman ang ituturo nun kay Ian. Matapos kong mapatulog ang dalawa ay nawala na sa sala ang dalawa pagbalik ko. Lumabas ako ng bahay at nakita ko silang naglalakad pauwi.

"Saan naman kayo galing?"

"Hala ka Kuya Adam, beast mode si Ate."

"Hindi yan," sagot ni Adam at inakbayan ako.

"Nanood kami ng basketball dyan sa court. Bukas may laro ang team namin, manonood si Kuya Adam. Sasama ka ba?" tanong ni Ian. Naupo siya sa upuan sa terrace. Nanatili naman kaming nakatayo ni Adam.

Tiningnan ko si Adam at nakangiti siya sa akin.

“Ayoko. Hindi ka naman marunong eh. Mag-aaksaya lang ako ng oras don.”

“Ha! Nakita mo na ba akong maglaro?”

“Oo naman. Two years ago ba yon? Ewan ko ba sayo bakit hindi ka pa din natututo. Ah oo nga pala, kilala ko nga pala ang nagtuturo sayo,” sagot ko at tiningnan ko si Adam.

Nanlaki ang mga mata niya.

“Bakit sa akin napunta ang usapan? Tsaka baby, last year noong nanood tayo eh first quarter lang naman ang napanood mo, umalis ka na kaagad diba? Kasi biglang sumakit ang tiyan ni Madison, kaya hindi mo napanood kung gaano kagaling si Ian,” depensa ng magaling kong asawa.

Naalala ko naman yon. Pero kahit na, hindi pa din siya magaling. Papanindigan ko na to!

“Iyan? Magaling?” turo ko pa kay Ian. “Magaling kumain kamo!”

“Ah basta kailangan manood ka bukas! Papatunayan ko sayo na magaling ako. Papatunayan ko sayo na magaling ang nagturo saken,” sabi ni Ian at pumasok na siya sa loob.

Tiningnan ko si Adam. Kininditan niya ako at hinalikan sa labi.

Magaling naman talaga si Adam.

Magaling humalik.

Wait.

Nasabi ko na ba yon?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.