Ex with Benefits 2

Chapter 12



Chapter 12

Ni hindi ko nagawang silipin kung ano man ang pagkaing dala ni Adam. Can’t he just stay at his office all day? Mas mabuti pa noong nasa ibang bansa siya, walang Adam na nanggugulo sa akin. Walang Adam na biglang susulpot. I don’t like it when he’s around. I don’t like when he’s talking to me. I don’t like the way my heart responds.

“Huhulaan ko ha, nag-away na naman kayo ni Kuya Adam.”

I just rolled my eyes at Ian na kakapasok pa lang ng opisina ko eh obvious na obvious na ang tanong.

“Ang taas taas na kasi ng pader ng itinatayo mo eh. Mahihirapan talaga siyang buwagin yon.”

“Kasing taas ng pader na itinatayo ko ang lalim ng mga salita mo. Tsaka, ganun talaga Ian. Kapag ang tao ilang beses ng nasaktan, gagawin niya ang lahat para hindi na maulit yon kaya kung kinakailangan na magtayo ako ng mataas at matibay na pader sa pagitan namin ni Adam ay gagawin ko maprotektahan ko lang ang sarili ko. Ang bagay na hindi niya nagawa.”

“Patingin nga,” sabi ni Ian at hinawakan ang baba ko. Tiningnan niya ang mukha ko.

“Ano bang ginagawa mo?”

“Tsk. Tsk. Malalim nga, Ate. Malalim nga ang pilat oh,” sabi niya sabay turo sa pilat sa ilalim ng kilay ko.

Inilayo ko ang kamay niya. Kung ano ano talaga sinasabi niya. Hindi naman kalaliman ang pilat kong yon.

“Mai-connect mo lang din talaga eh noh?”

“Eh mukha kasing naha-highblood ka na naman eh.”

“Halika na nga, kumain na lang tayo,” yaya ko sa kanya.

“Eh paano to?” turo niya sa pagkain na dinala ni Adam.

“Ibibigay ko na lang sa secretary ko.”

Sa isang restaurant malapit sa office lang kami nagpunta ni Ian. Oorder ako ng halo-halo. Kailangan kong magpalamig.

“Venice?”

Lumapit ako sa babaeng tinawag ko and I was right. It was Venice.

Bakas ang pagkagulat sa mukha niya.

“H-hi! Arkisha? A-anong ginagawa mo rito? Kasama mo ba si Adam?”

“Huh? No,” mapait kong sagot.

“Is that so? Ang akala ko kasi yayayain ka niya mag-lunch?”

“I’m with Ian,” at tinawag ko si Ian na lumapit sa akin. Nag-“hi” naman si Ian sa kanya. “Ikaw, bakit ka mag-isa?”

“Actually I’m with someone,” naiilang niyang sagot. Sinundan ko ang tinitingnan niya and I found a tall and handsome guy na sa tantya ko ay nasa early thirties. Papalapit ang lalaki sa table ni Venice. “Arkisha, Ian, this is Patrick. Patrick, meet Arkisha, Adam’s wife and her younger brother, Ian.”

We shake our hands and he smiled at me.

“Ah. So you are ‘The Arkisha’! Finally, we met! I’ve heard so much about you,” sabi ni Patrick.

“Pleased to meet you,” sagot ko and I smiled back.

Hindi na kami sumabay sa pagkain kina Venice, bukod sa patapos na din naman sila eh mukhang kailangan nila ng privacy kaya bumukod na lang kami ng table ni Ian.

“So tell me about Nikki.”

Halos maibuga ni Ian ang laman na pagkain sa bibig niya.

“Are you serious? Are you doing that to divert from our topic kanina sa office mo?”

“I think it’s about time na ikaw naman ang igisa ko kasi simula ng bumalik si Adam sa bansa eh wala ka ng ibang ginawa kundi asarin ako ng asarin. So ano na nga? Kailan kayo huling nagkita?”

“Before sembreak.”

“At hinahabol mo pa din siya?”

“Grabe ka naman, Ate. Wala talagang preno yang bibig mo ha. Ako, kapag inaasar kita kay Kuya Adam, pinipili ko ang mga words na gagamitin ko. Kung kinakailangan kong laliman, ginagawa ko. Pero ikaw, walang filter grabe.”

“So ano nga? Ang dami mo namang sinasabi Ian eh. Hinahabol mo pa din? Nagpapakatanga ka pa din?”

“Wow, nagsalita ang hindi tanga pagdating sa pag-ibig.”

“Tanga noon, wais na ngayon,” sagot ko.

“Talaga lang huh? Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng ‘wais na ngayon’ mo na yan.”

“Eh bakit ba kanina ka pa iwas ng iwas sa mga tanong ko?”

“Eto na nga, sasagutin na nga. Nikki is still with Arvin…”

“Nhaks, loyal,” pang-aasar ko sa kanya.

“Nagpapakatanga ako kay Nikki, samantalang nagpapakatanga si Nikki kay Arvin. Siguro ganun talaga. May mahal ka, pero hindi ka naman mahal ng taong mahal mo. May mahal siyang iba tapos yung mahal niya, hindi naman siya kayang pahalagahan.”

“So you’re still waiting na makita ni Nikki ang worth mo?”

He just nodded.

“Stop it.”

“Why?”

“First, kota ka na sa pagiging tanga. Second, can’t you see? Bulag si Nikki. She will never see your worth hangga’t nandyan si Arvin. Ian, gwapo ka. Madami pang ibang babae. Madaming madami pa.”

“I know. Actually, there’s this girl..”

“Hold it, that one sounds really interesting but I have to pee,” putol ko kay Ian at nagpunta ako sa comfort room. Sakto naman pagbalik ko ay dumating ang dessert na inorder namin.

“So tell me about this girl,” utos ko sa kanya pagkaupo ko sa upuan.

“There’s this girl na nagtapat ng feelings niya sa akin.”

Nanlaki ng mga mata ko. “Seryoso? Saan? Paano? Thru text or facebook messenger?”

“Sa personal, Ate.”

“I wanna meet her.”

Seryoso. Gusto ko siyang makilala.

“Agad agad Ate? School mate ko lang siya. Magkaiba kami ng course eh. Business Ad ang course niya. Actually malayo ang building niya sa building ko pero nagtataka ako kasi palagi ko siyang nakikita to the point na I told myself that she really loooks familiar, then it hit me. Classmates pala kami noong highschool. Then one day, inabangan niya ako pagkalabas ko ng classroom and the exact words that she told me were, ‘Marc Ian Aragon, I like you. Will you be my Valentine date?”

Titig na titig ako sa kapatid ko habang nagkekwento siya. Nakahalumbaba pa nga ako eh. Abot tenga na ang ngiti ko sa kilig.

“So anong sinagot mo sa kanya?” tanong ko.

“Syempre nagulat muna ako. Napatitig muna ako sa kanya. Sa malayo ko lang nakikikta ang babaeng ito, ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan. Kulay light brown ang buhok niya at hazel naman ang kulay ng mga mata niya. Ang isinagot ko sa kanya ay ‘I’m sorry, I can’t. I already have a date. I have to go.’ Tapos umalis na ako. Nilampasan ko na siya.”

“How dare you!” naiinis kong sabi kay Ian.

“Ate, you can’t blame me. Noong mga panahon na yon, nagmamadali ako kasi nga hinahabol ko si Nikki.”

“Ayan na nga ba eh, sinasabi ko na. Yang si Nikki ang papatay sayo!”

“Patay agad? Isa pa, nagsorry naman na ako sa kanya. Tsaka pang-ilan ba siya sa mga babaeng nagyayang maging date ko sa Valentine noong araw na yon?”

“And yet sa lahat ng babaeng nagyayaya sayo noong araw na yon, siya lang ang hindi mo makalimutan?”

Bumalik na bigla ang kilig sa katawan ko.

“Ah.. eh.. Parang. Siguro, ganun na nga.”

“Parang parang ka dyan. Kaso sigurado galit yun sayo. Kung ako yung babae, hindi na kita kakausapin. Hmp! Manigas ka! Matapos mo akong ireject? Neknek mo!”

“Aray naman, Ate.”

“Pakita mo nga saken sa facebook kung sino ang babaeng yon? Ano bang pangalan niya?”

“Wag na. Mas lalo mo lang akong aasarin eh.”

“Damot mo naman. Para pangalan lang, ipagkakait mo pa sa paborito mong Ate? Ano nga?”

“Ellaine. Ellaine Carbonel.”

Natigil ako sa pagngiti. Oo, naka-freeze talaga bagang ko.

“Don’t tell me may first name siya at Nina iyon?”

Napaalis siya sa pagsandal sa pader at inilapit ang mukha sa akin.

“Oo, Ate. Paano mo nalaman? Her full name is Nina Ellaine Carbonel.”

Napailing ako ng matagal.

“You’re in a big trouble, brother!”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.