Marry Me

Chapter 8



Chapter 8

Shane

FRIDAY.

Kumpleto kaming pamilya na kumakain ng breakfast. Madami akong kakainin cause I need strength.

"Ma, Pa, pumapayag na po ako sa fixed marriage,” sabi ko.

"Nakabili ka na ba ng damit mo?" tanong ni Papa.

"Hindi pa po.Pero pagkatapos po ng klase magpapasama po ako kina Faye at Ara para bumili."

Ano nga kaya ang bibilhin ko? Dapat ba sexy para maatract sa akin yung lalaki?

"Nakakahiya naman sa mga Santillan, hindi na tayo nakadalaw sa hospital."

"Eh lumabas na din naman kaagad ang matanda."

O dapat ba magpapanget ako para ma-turn off sa akin yung lalaki? Hay, sari sari na ang pumapasok sa isip ko. Ano ba yan?

"Shane, nakikinig ka ba?" halos pasigaw na si Papa. Nagulat nama ako.

"Ano po ulit yun?" tanong ko.

"Tinatanong ko kung may klase ka ba bukas?"

"Opo, pero hanggang 12pm lang po."

"Mabuti kung ganon ng makapaghanda ka pa."

Makapaghanda? Ano ba yan?! Kulang na lang mag-hire pa sila ng make-up artist ko. Sino ba kasing Poncio Pilato ang pakakasalan kong iyon? Wala man lang ba kahit pictures? Sikat ba ang pamilya nila? Maimpluwensya ba? Gwapo ba?

Pssh. Here we go again. Stop it Shane. Sigurado hindi gwapo yun, kasi bakit siya papayag sa ganitong set up if he can get whoever he wants with his looks diba? Hahaha. Nababaliw na siya.

Pero teka, kunsabagay, bakit ako? Maganda naman ako pero pumayag din ako sa ganito. Hay. Nababaliw na din ako.

Pumasok na ako sa school. Nakita ko kaagad sina Faye at Ara.

"Saahan niniyo ako mamaya after class ha. Bibili ako ng damit para sa Saturday,” sabi ko.

"Uyy! Excited!" pangaasara ni Faye.

"Excited ka dyan! Hindi noh! Syempre kailangan maayos akong haharap sa kanila."

"Shopping?? I love it!" si Ara.

“Nalulungkot ako,” sabi ni Faye.

"Bakit?" tanong ko.

"Eh kasi mag-aasawa ka na. Eh di syempre hindi ka na namin masyado makakasama."

"Sus. Nothing will change. We're friends forever right?" sabi ko at niyakap nila akong dalawa.

Katulad ng plano. Nagpunta agad kami sa mall. Nakakatuwa talaga silang dalawa. Sila pa yung mas excited sa pagpili ng damit ko. Pink dress ang napili nila para sa akin. Ang cute. Isinukat ko sa fitting room.

"Whoa! You are sooo pretty!" sabi ni Ara ng makita ako.

"Im sure maiinlove agad sayo yung pakakasalan mo,” sabi ni Faye.

"Ang OA ninyong dalawa ha,” sabi ko.

"Totoo. Kaibigan mo kami at hindi kami nagsisinungaling."

I looked myself in the mirror. Yah right. Ang cute ko nga. Kaso para akong bata.

"Hindi ba para akong bata?" tanong ko.

"Sort of, but that's fine. Its cute naman eh,” sabi ni Faye.

I bought the pink dress. Mabuti na lang may sandals ako sa bahay na katerno nito. Gift sa akin ni Mama last year.

**

SATURDAY.

"Shane, bumaba ka na diyan. Naghihintay na sila sa atin,” sabi ni Papa.

"Andyan na po."

Sumakay kami ng kotse. Mga 20 minutes ang byahe. Kinakabahan ako. I don't know why.

Please Lord, sana naman huwag pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura ng mapapangasawa ko. Pleeasee.

Sa wakas nakarating din kami sa restaurant. Infairness, sosyal ang restau. May lumapit kay Papa na matandang lalaki. Nagyakap sila. Mukhang mayaman yung matanda. Siguro siya na yung bestfriend ni Lolo. May dalawang lalaki na nakaupo mula sa pinagmulan ng bestfriend ni Lolo. Yung isa nakaharap sa amin, yung isa nakatalikod. Medyo malayo pa kami sa table nila.

"Kamusta po kayo?" tanong ni Papa.

"Ok na ang pakiramdam ko,” sagot nito. Tapos tumingin siya sa akin.

"Hello po. Ako po si Shane,” pakilala ko.

"Ako naman si Enrique, ang bestfriend ng Lolo mo. You can call me Lolo, since magiging isang pamilya na din naman tayo,” nakangiting sabi sa akin ng bestfriend ni Lolo. "Halina kayo, doon ang table namin," yaya niya sa amin at sumunod na kami.

"Shane, ito nga pala si Jaime, ang aking anak.." pakilala ni Lolo Enrique sa lalaking nakaharap sa amin.

Tumayo ito at kinamayan ako.

"Nice meeting you Shane," nakangiti siya sa akin.

"...eto naman ang aking apo na si Gian,” pakilala ni Lolo sa lalaking nakatalikod.

Humarap ito at...

No! It can't be!

Paanong??

Napakunot ang noo ko. Tama ba itong nakikita ko??

Siya ang fiance ko??

Si Gian?

The one and only GIAN SANTILLAN?!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.