Chapter 6
Chapter 6
Shane
"Hi!"
Ano yon? Bakit may pa-Hi Hi pa siya? Ang kapal talaga ng mukha ng Alex na yun. Matapos akong saktan eh aarte na parang walang nangyari. Mukha niya! Hindi ko nga pinansin. Hindi ko nga ngitian. He's not even worth my smile. Nagdiretso lang kami nina Faye at Ara sa paglalakad.
"Hi daw,” paalala pa sa akin ni Ara.
"Hmp."
"May lakas pa talaga siya ng loob na mag-hi sayo noh?" sabi ni Faye. "Kunsabagay, makapal naman talaga ang mukha niya. Akala yata eh katulad ka ng ibang mga naging girlfriends niya,” dugtong pa niya.
Hanggang makarating kami isa room, hindi ako umimik. Wala na akong pakielam kay Alex. Mas madami akong iniisip. Mas madami akong problema. Wala akong balak idagdag siya.
"Huy! Ganyan ka ba kabadtrip kay Alex, at ayaw mo ng magsalita dyan?" tanong ni Faye saken.
"Hindi ako nababadtrip kay Alex. Wala akong pakialam sa kanya,” sagot ko.
"Weh??" sabi ni Ara.
"Eh kelan lang iyak ka ng iyak sa lalaking yun ah,” paalala ni Faye.
"Mas madami akong dapat isipin kesa sa kanya,” sagot ko.
"Oo nga naman, malapit na ang Midterm,” sabi ni Ara.
"Nyee. Hindi iyon ang iniisip ko,” sabi ko naman.
Oo nga at tama si Ara na malapit na ang midterm pero hindi ko naman kailangan problemahin yon. Nag-aaral naman akong mabuti kaya alam kong makakapasa ako.
Hay. Wala talaga kayong idea.
"Oo nga naman, hindi mo nga naman poproblemahin yon, cause you're smart,” sabi ni Faye.
"Thank you, but what I really mean is, may ibang problema ako."
"What?" sabay na tanong nung dalawa.
Paano ko ba sasabihin? Paano ko ba sisimulan?
"I'm getting married."
Ayun. Nasabi ko na. Pero teka, parang may mali. Pero hindi ko na mabawi kasi nag-react na yung dalawa.
"Paanoong??"
"Saan?"
"Kanino??"
"Diba break na kayo--"
"Heppp!" Itinapat ko kamay ko sa kanila. Sabi ko na eh. Dapat di ganun ang pagkakasabi ko. "Pwedeng kumalma??" tanong ko.
Sa wakas, tumahimik din yung dalawa.
"Ok. Let me rephrase it. Baka magpakasal na ako. Baka."
Hindi ko na hinayaang makapagtanong pa sila.
"Paano? It’s a fixed marriage. Yung lolo ko at yung bestfriend niya ay nagkasundo na ipakasal ang mga apo nila. Saan? Hindi ko alam, kasi pag-uusapan pa. Kanino? Hindi ko din alam. Hindi ko pa siya kilala. Magkikita kita kami this Saturday."
"So pumapayag ka na?" tanong ni Faye.
"Hindi. Ayoko nga eh. Imagine, ako, magpapakasal? No way. To think na hindi ko pa kilala kung sino yun. Pero si Papa.."
"Malay mo, gwapo?" sabi ni Ara.
Umiral na naman ang kakirihan nitong si Ara.
"Eh pano kung masama ang ugali,” sabi ko naman.
"Hmmm.. Sino kaya siya??" tanong ni Faye.
**
Pagkauwi ko, nakita ko sa kitchen sina Mama at Papa, mukhang malungkot sila. Anong nangyari?
"Ma, Pa, ano pong nangyari?" tanong ko.
"Pinagbantaan nila ang Papa mo, kapag hindi daw tayo nakabayad sa utang, pasensyahan na lang daw,” si Mama ang sumagot.
Nila? Sino? Alam ko madaming utang si Papa, pero may trabaho naman siya, malaki na ba talaga ang utang niya?
"Ma, sino? Sinong nila?" tanong ko.
"Ang nais ko lang naman ay maibigay sayo ang lahat ng gusto mo, sa inyo ng Mama mo, hindi ko akalain na aabot sa ganito,” sabi ni Papa.
Hindi ko maintindihan si Papa, ano bang ibig niyang sabihin? Na umutang siya para lang masunod ang luho ko. Ok lang naman sa akin kahit simpleng buhay, bakit kailangang umabot sa ganito? Kaya ngayon, eto kami at namomroblema sa pambayad.
"Shane.. Im sorry,” sabi ni Papa.
Sorry? Para saan? Oh God, ayoko ng ganitong sitwasyon. Baka maiyak ako.
"Pa.." ang tanging nasabi ko lang.
"Hindi ko na alam kung paano ba natin mababayaran ang utang natin,” sabi ni Papa.
Niyakap ko si Papa. "Pa..
novelraw