Chapter 11
Chapter 11
“DAMN, dude. This is so uncool,” sabi ni Arjon nang ihiga nila ni Lucas si Shaun sa kama nito.
“Ang bigat pala ni gago. Pakiramdam ko, nabali ang balakang ko sa kanya,” pagrereklamo naman ni Lucas habang nag-uunat pa ng katawan. Halatang nabigatan nga silang dalawa ni Arjon kay Shaun.
Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kanilang dalawa kanina. Hirap na hirap kasi silang buhatin si Shaun mula sa school hanggang makasakay kami ng taxi at makauwi rito sa condo.
Ilang beses pa nilang pinagmumura si Shaun dahil pinapahirapan daw sila. Mabuti na lang talaga dumating silang dalawa kaya may tumulong sa akin kay Shaun na mahimbing pa rin na natutulog.
Hindi talaga siya nagising kahit binabasta-basta na ni Lucas at Arjon ang pagbubuhat sa kanya. Umuntog pa ang ulo ni Shaun habang nilalabas siya sa taxi. Pagod na pagod talaga ang katawan niya. Tulad ng sabi ni Arjon, ilang araw nga itong hindi natulog simula nang umalis ako.
Tumingin sa akin si Arjon. “So, paano, Chin? Uuna na kami?”
“Agad? Maghahanda muna ako ng merienda,” sagot ko dahil nakakahiya na umalis sila agad.
“Oo nga! Nagugutom na ako, eh,” pagsingit naman ni Lucas. “Ginutom ako ni Shaun. Paggising niyan sasapukin ko mukha niyan. Tutal naman manhid siya, eh. `Di niya mararamdaman ang sakit, `di ba?”
“Tanga, hindi na siya manhid ngayon!” sagot ni Arjon, `tapos tumingin sa akin at ngumiti. “Hindi na, Chin. May last class pa kami mayamaya, eh.”
“Last class? Wala na kaya!” Si Lucas ulit na halatang gulat. “Wala na tayong class, bro. May practice lang pero mamaya pa `yon, `di ba? May two hours pa tayong vacant bago ang practice!”
Sinamaan ni Arjon si Lucas ng tingin. “`Di ba, Lucas, may klase pa tayo?”
Tumitig si Lucas kay Arjon na para bang may pinag-uusapan sila gamit ang mga tingin nila na hindi ko nalalaman. Parang may secret message si Arjon na sinasabi kay Lucas.
“Ay! Oo nga pala. Next time mo na lang kami pameriendahin, Chin. May klase pa nga pala kami,” tugon ni Lucas saka napakamot ng ulo. “`Langya. Pagkain na naging bato pa.”
“Sure kayo?” naninigurado kong sagot. “Hindi n’yo naman kailangang magmadali.”
“Oo, sure na. Besides, kapag nagising si Shaun, mag-uusap pa rin kayo niyan,” sabi ni Arjon. “Kailangan n’yo pa ring mag-usap na kayong dalawa lang. Para walang sagabal.”
“Baka mag-lovey-dovey agad kayo, ah? Alam mo naman `yang si Shaun, matinik `yan.” Napatawa si Lucas pero huminto rin nang batukan siya ni Arjon. “Aray, pota! Joke lang, eh!”
Hindi ko mapigilan na hindi mamula ang mukha ko dahil sa sinabi ni Lucas. Shocks. Never ko naisip `yong ganoong bagay sa pagitan naming dalawa ni Shaun.
“`Yang bibig mo talaga, Lucas!” Napailing-iling si Arjon. “Pagpasensyahan mo na `yan, Chin.”
Natawa ako. “Ayos lang. Alam ko naman na `di `yon mangyayari.”
“Oo naman. Mataas ang respeto ni Shaun sa `yo, remember?” tugon ni Arjon. “He doesn’t see you the way he sees other girls. He wants to treasure you forever.”
“`Yon! Napa-English na si Pareng Arjon. I’m out! Mauuna na ako sa ibaba, p’re,” sabi ni Lucas `tapos lumakad na papunta sa pintuan. “Bilisan mo, pare. Magyoyosi lang ako.”
After n’on, nawala na si Lucas. Kami na lang ang naiwan ni Arjon sa makalat na sala ng condo. Bahagya kaming natahimik ni Arjon. Nililibot ko kasi ang mga mata ko sa mga kalat dito sa condo. Hindi ganito `to nang umalis ako. Ilang araw lang akong nawala pero parang naging haunted condo na.
Pagsulyap ko kay Arjon, nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Na para bang binabasa niyang maigi kung ano ang iniisip ko. Ang awkward palang maiwan sa iisang lugar na kasama ang sino mang kaibigan ni Shaun. Palagi kasing sinasabi ni Shaun sa akin noon na iwasan ko ang mga kaibigan niya dahil hindi raw matino ang mga ito. Hindi ko alam kung seryoso `yon o hindi.
Sa totoo lang, higit sa kanilang lahat, kay Arjon ako mas naiilang. Minsan kasi kapag nakikita ko siya, nakikita ko na lang na nakatitig siya sa akin na hindi ko alam ang iniisip niya. Napakamisteryoso niyang tao. Para bang ang dami-dami niyang iniisip tuwing tahimik siya.
“Masaya ako na hindi ka na mahihirapan,” sabi niya. “Ang tagal-tagal mo nang tinatago ang totoo mong feelings kay Shaun. It’s time for you to be happy.”
“You know, too?” gulat kong sagot.
He nodded. “Oo naman. You’re easy to read, Chin. You’re like an open book. So interesting,” pahayag niya. “Alam ko na agad na in love ka kay Shaun nang unang beses pa lang tayong nagkakilala. Just like Shaun, alam ko na agad na in love rin siya sa `yo. Dine-deny niya lang `yon. Because he was afraid.”
Hindi ko alam na ganoon pala talaga ako ka-obvious pagdating sa feelings ko kay Shaun. Pero hindi `yon ang gumulo sa isip ko ngayon. Nagulat ako sa sinabi ni Arjon na matagal niya na ring alam na in love si Shaun sa akin. Parang impossible naman mangyari `yon?
“Matagal nang in love si Shaun sa akin?”
Ngumisi si Arjon. “Oo. Nalaman ko `yon nang pinakilala ka niya sa akin noong first year pa lang tayo. Remember no’ng try out namin sa basketball?”
`Yon iyong time na nanonood ako ng try out practice ni Shaun at natanggap siya sa team. Pinakilala niya sa akin si Arjon, Lucas, at Raphael. Inasar-asar pa kaming dalawa na imposible raw na best friend lang kaming dalawa ni Shaun. Todo-asikaso kasi ako sa kanya.
Niyakap pa ako ni Shaun sa harap ng maraming tao habang sinasabi niya na sobrang saya niya at kailangan naming mag-celebrate. Parang bata si Shaun tuwing masaya siya.
Ang sabi nila Lucas noon, kami rin daw ang magkakatuluyan ni Shaun. Natawa lang si Shaun at sinabing huwag daw silang malisyoso. Habang ako naman ay napadasal sa sarili na sana… sana mag-dilang anghel sila. Na sana kami talaga ni Shaun ang magkatuluyan.
“Oo, naaalala ko.”
“Todo-asar kami kay Shaun nang umalis ka na. Todo tanggi lang talaga siya na hindi. Pero nang sinabi ko sa kanya na kung hanggang best friend lang talaga kayong dalawa, liligawan kita.” Tumawa si Arjon. “Muntik na akong sapakin ni Shaun nang oras na `yon. I had never seen such a murderous expression until I saw Shaun’s expression. I was scared. Hindi ko inaakalang makakakita ako ng ganoong expression kay Shaun. Parang nag-iiba talaga siya kapag ikaw ang pinag-uusapan. Kapag ikaw ang nagiging involved, it’s either ngingiti siya o magiging tarantado siya.”
Napatakip ako ng bibig ko sa gulat. Hindi ko alam na may ganito palang eksena dati.
“Doon ko napatunayan na in love si Shaun sa `yo. Na ayaw niya lang i-recognize ang feelings niya. Kasi ibang-iba talaga, eh. May something kapag tumitingin kayo sa mata ng bawat isa. Siya, hino-hold back ang feelings niya. Samantalang ikaw, pilit tinatago ang feelings,” dugtong niya. “Can I be honest with you, Chin?”
“Sure. Anong meron?” nagtataka kong sagot.
“No’ng sinabi ko kay Shaun dati na liligawan sana kita, totoo `yon.” Napakamot ng ulo si Arjon. “Nagkagusto ako sa `yo noong una kitang makilala. I didn’t know why but you really caught my attention. Kapag nakikita kita, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kita tingnan.”
Bahagya akong napaatras dahil sa sinabi ni Arjon. I didn’t expect this. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Grabe, ang awkward talaga. Ugh. Bakit ba kasi naunang umalis si Lucas?
“Hey,” nagsalita ulit siya. “Don’t be scared. Hindi ko gustong mailang ka. Gusto ko lang sabihin sa `yo para ma-i-let go ko na ang feelings ko. Besides, alam ko rin naman na wala akong aasahan. You’re in love with my asshole friend. Kung noon, kating-kati na akong agawin ka kay Shaun para hindi ka na masasaktan. Ngayon, masaya na ako for you. For the both of you. Kasi natapos na ang pagtataguan feelings n’yo.” Ngumiti siya. “So don’t be scared.”
“I-I’m not scared. I’m just shocked.”
Napakamot ng ulo si Arjo. “Well. Sorry for making you shocked,” sabi niya. “So, paano? Mauuna na ako.”
Naglakad na papunta si Arjon sa may pintuan at naghahanda nang umalis.
Akala ko aalis na siya nang bigla ulit siyang lumingon.
“One more thing, Chin. Please, huwag mong sabihin kay Shaun ang sinabi ko, okay? Alam mo naman `yon OA mag-react pagdating sa `yo,” sabi niya ulit. “I’m really happy for you, Chin. Stay like that. You are more beautiful when you’re smiling.”
Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Arjon dahil umalis na agad siya na hindi hinihintay ang sagot ko. Sinabi niyang masaya siya para sa akin pero hindi naman `yon ang nakita ko sa mga mata niya. His eyes were so sad when he said that. Ang lungkot-lungkot ng mga mata niya.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin if ever masalubong ko siya sa school or what. Nakakailang na malaman na nagkagusto o may gusto sa `yo ang kaibigan ng taong mahal mo. Papaano kapag nalaman `to ni Shaun? Ano kaya ang magiging reaction niya?
Bumalik na ako sa kuwarto ni Shaun para sana sulyapan lang siya. Pero namalayan ko na lang ang sarili ko na umupo sa gilid ng kama at napatitig sa maamong mukha ni Shaun na masyadong malalim ang pagkakatulog. Halatang pagod na pagod talaga si Shaun.
Akala ko hindi siya naaapektuhan ng pag-alis ko. Pero higit sa aming dalawa, siya pala ang mas naapektuhan. Siya ang hindi nakakatulog nang maayos. Siya ang gabi-gabing nag-iisip.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o maging malungkot ngayon. Natatakot kasi ako. Paano kung nabigla lang si Shaun? Paano kung hindi talaga siya in love sa akin at siya lang ang naguguluhan sa feelings niya? Paano kung hindi niya lang ako kayang mawala dahil halos buong buhay niya ay kasama niya ako at hindi dahil mahal niya rin ako?
Paano kung takot lang siya mag-isa kaya ayaw niya akong mawala at hindi dahil in love rin siya sa akin? Paano kung later after this, he would realize that he was really not in love with me?
Habang nakatitig ako kay Shaun, nakita kong dahan-dahang bumukas ang mga mata niya. Bahagya muna siyang napatitig sa akin na para bang tinitingnan niya mabuti kung totoo ba ako o ilusyon lang sa harap niya. After n’on, dahan-dahan siyang tumayo at tumingin sa paligid ng kuwarto niya.
“Nananaginip ba ako?” tanong niya na parang hindi makapaniwala.
Hindi ko alam kung para sa akin `yong tanong na `yon o kinakausap niya ang sarili niya. Nananatili lang ako na nakatingin sa kanya. Hanggang sa muli niya akong tiningnan.
“Oh, God. Kung nananaginip lang ako, huwag mo na akong gisingin pa.”
Malakas kong tinulak si Shaun kaya napahiga na naman siya sa kama.
“Ewan ko sa `yo!” sagot ko saka akma nang tatayo nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
“Joke lang, eh,” sagot niya habang may maliit na ngiti sa mga labi. “Dito ka lang.”
`Tapos hinila niya ako. Sa sobrang lakas, natumba ako sa ibabaw ng katawan ni Shaun.
“Shaun, ano ba? Tatayo ako!”
“Hindi!” sabi niya saka niya ako niyakap nang mahigpit. “Stay here. Don’t leave me.”
“Hindi ako aalis!” sagot ko. “Hindi ako makahinga nang maayos.”
Inalalayan ako ni Shaun para humiga sa tabi niya. Magkaharap na kaming dalawa ngayon. Wala na namang nagsalita dahil biglang napatitig si Shaun sa mukha ko. Naiilang tuloy akong napayuko.
“Look at me,” sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko.
“I-I can’t,” sagot ko. “Naiilang ako.”
“Naiilang ka?” nagulat niyang sagot. “Naiilang ka sa lalaking mahal mo?”
“Ugh! Do you really need to say that?”
“Bakit?” Natawa si Shaun. “Totoo naman, `di ba? You’re in love with me.”
“Oo na! Kailangang ulit-ulitin?”
“Oo kailangan talaga,” sagot niya. “Dahil uulit-ulitin ko rin sabihin sa `yo `yon. I won’t get tired saying how much I love you, Chin. How much you meant to me. I love you, Chinnie Marie. I love you for every star in the darkest night. I love you for everyday, for every you.”
Finally, nakaya ko na ring tumingin sa mukha ni Shaun. Sincere na sincere ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nangilid tuloy ang mga luha ko sa sobrang kasiyahan.
“What’s wrong?” Napalitan nang pag-aalala ang expression niya.
Napailing ako. “No—nothing,” sagot ko. “Masaya lang ako.”
Pinunasan ni Shaun ang luha ko, saka niya uli ako niyakap nang mahigpit.
“Me, too,” sagot niya. “Muntik ko nang makalimutan kung ano ba talaga ang totoong ibig sabihin ng kasiyahan. Until I experienced this. Hugging you tightly. Hugging the girl I love the most. This is what happiness really means for me. You and me. Us. This is my own version of happiness.”
Naramdaman kong inamoy na naman ni Shaun ang buhok ko.
“I missed this smell,” sabi niya ulit. “Chin, I’m really sorry.”
“Sorry for?”
“Sorry for being late. I wish I knew your feelings sooner.” Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. “Para hindi kita sobrang nasasaktan dati. Sana rin tinanggap ko agad kung ano ba talaga ang feelings ko sa `yo. Na hindi na ako nagbulaglagan. Para hindi tayo parehas nasaktan. Ang tanga ko lang talaga. All this time, `yong babaeng nararapat pala sa akin ay nasa tabi ko lang. Nasa tabi lang pala kita pero hindi agad kita nakita. Pero hindi na mauulit `yon. Hindi na kita sasaktan.”
“It’s okay. Hinayaan naman kitang saktan ako, eh. Mahal kasi kita.”
“Ano ulit?” Hinarap ni Shaun ang mukha niya sa akin. “Sabihin mo nga ulit.”
“Tse! Ayoko na.”
“Sige na, Chin!” pangungulit niya. “Sabihin mo ulit na mahal mo ako.”
“I love you,” nahihiya kong sagot. “I love you, Shaun Eliseo Valentin.”
“Damn!” napamura siya. “Kinikilig ako.”
“Para kang baliw!” natatawa kong komento.
“Baliw na kung baliw pero kinikilig talaga ako,” sabi niya. “Mahal na mahal din kita Chinnie Marie Mulach. I love you for being my moon, my sun, and for being all of my stars,” sabi niya ulit. “This is the safest place I’ve ever known.”
“Where?”
“In your arms.” He kissed my forehead. “Welcome back, Chin.”
I smiled to myself. “I’m home, Shaun.”
“I know,” he answered. “Because you are my home. Don’t leave me again.”
“Hindi na ako aalis. Unless, maging pasaway ka ulit. At mag-uwi ng babae rito.”
Naalarma siya bigla. “Hindi na ako magiging pasaway. At lalong hindi na ako mambababae. Anong gagawin ko sa kanila, eh, akin ka na. Wait—tayo na ba? Girlfriend na ba kita?”
“Hindi… hindi ko alam,” sagot ko. “Wala akong alam sa ganyan.”
“Ah, basta. Girlfriend na kita. Kung kailangan kitang ligawan araw-araw, gagawin ko.” Natawa si Shaun. “I’m such a lucky bastard. May best friend na ako may girlfriend pa.”
Saka muling humikab si Shaun.
“Inaantok pa ako.”
“Matulog ka pa.”
“I will,” saad niya. “Pero huwag kang mawawala, ah? Sa paggising ko, makikita pa kita, ah? I’m scared waking up without seeing you, Chin. Ayoko nang matulog kung hindi kita makikita sa paggising ko. Nang umalis ka, hindi ako natutulog dahil natatakot ako magising na hindi ka makita. I don’t want to experience that again, Chin. It was torture.”
“I’m here when you wake up, Shaun. I’m not leaving.”
“Promise?” parang bata niyang tanong. “You won’t leave me again?”
“Promise,” sagot ko na nakangiti.
“I love you, Chinnie.” Pumikit na ang mga mata ni Shaun. “For everyday, for every you.”
Napangiti ako, saka ko hinaplos ang mukha ni Shaun.
“I love you, too, Shaun,” sagot ko. “For everyday, for every you.”
Napangiti si Shaun kahit nakapikit na siya. Hanggang sa makatulog na naman siya. Pagod talaga ang katawan niya dahil ang bilis niya uling makatulog.
Pinagmasdan ko lang ang mukha ni Shaun nang ilang minuto hanggang sa naisip ko na kailangan kong maglinis ng condo. Hindi ako sanay na makalat ang condo kaya gusto kong maglinis habang nagpapahinga pa si Shaun. Dahan-dahan akong tumayo ng kama para hindi ko siya maistorbo.
Sinimulan ko agad linisin ang sala ng condo dahil nagkalat ang mga bote ng alak na walang laman. Halatang mula nang umalis ako, gabi-gabing nag-iinom si Shaun. Napailing-iling tuloy ako. Hindi umiinom dito si Shaun dahil alam niyang maiinis ako sa kanya.
Nang matapos ako sa sala sa kusina naman ako naglinis. Habang naghuhugas ng mga plato, bigla kong naisip si Bea. Kailangan ko nga palang pumunta doon para kunin ang mga gamit ko. Hindi ko rin alam kung papaano ko ikukwento sa kanya ang mga nangyari kanina. Ang pag-amin ni Shaun. Ang biglaang desisyon ko na pag-uwi rito na hindi muna sinasabi sa kanya.
Baka magalit si Bea or what. I sighed. Pero buo na ang desisyon ko. Gusto ko nang bumalik dito sa condo. Ngayon alam kong mahal rin ako ni Shaun, ayokong magkahiwalay kaming dalawa. Leaving him was too painful. Ayoko na ulit maranasan `yon. Gusto kong palagi na kaming magkasama ni Shaun.
Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig kong biglang sumigaw si Shaun.
“CHIN!” Ang lakas nang sigaw niya. “CHINNIE MARIE!”
Hindi pa ako nakakasagot nang lumabas na siya ng kuwarto niya. Napatingin-tingin siya sa paligid na parang hinahanap ako hanggang sa makita niya ako sa kusina na nakatayo at naguguluhan sa kanya. Tarantang-taranta talaga siya hanggang sa mapahugot na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Naglakad siya palapit sa akin.
“What’s wrong? Bakit para kang natataranta?” gulung-gulo kong tanong.
Tumayo sa harap ko si Shaun `tapos sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
“I had a bad dream,” pagkukwento niya. “I thought you left me again. When I woke up, wala ka sa tabi ko. Akala ko panaginip lang `yong pag-uusap natin kanina. Akala ko wala ka pa rin sa tabi ko kaya nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong tanga na mababaliw na lang bigla.”
Hinimas ko ang buhok ni Shaun.
“Naglinis lang ako ng condo. Ang daming kalat, eh. Saka, `di ba, pinangako ko na hindi na ako aalis?”
Umayos siya ng pagkakatayo. Saka niya hinawakan ang mga kamay ko.
“Don’t do that again,” seryoso niyang sagot.
“Don’t do what?”
“Leave my side without saying where are you going.”
“Ha? Eh, natutulog ka kaya. Alangang gisingin pa kita para lang sabihin na lalabas ako ng kuwarto mo at maglilinis. Hindi na ako aalis, okay? `Andito na ako ulit.”
Umiling-iling siya. “Kahit na. Sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta. Kahit na maglilinis ka lang. O kakain. O iihi. O maliligo. Sabihin mo sa akin.”
“Nababaliw ka na!” natatawa kong tugon.
“You made me crazy,” sabi niya. “Bear with it.”
“O s’ya. Bumalik ka na sa pagtulog mo at tatapusin ko pa `to,” sabi ko. “Nga pala, kailangan ko pumunta kina Bea mamaya. Kukunin ko ang gamit ko.”
“What? I’m coming with you!”
“Ha? Hindi na kailangan. Mabilis lang naman ako.”
Umiling-iling siya. “Hindi. Sasama ako sa `yo,” tugon ni Shaun. “What if, pagbalik mo doon. Bigla ka na naman nagdesisyon na hindi ka na babalik dito. Na hindi ka na babalik sa akin? I’m coming with you, Chin. That’s final. Sasamahan kita pumunta kina Bea.”
“But Bea and I need to talk, too,” sagot ko.
Kailangan muna namin magkausap ni Bea bago niya makita si Shaun. Ipapaintindi ko sa kanya ang lahat. Alam ko kung gaano kagalit si Bea kay Shaun at baka hindi siya makinig mamaya kung makita niya si Shaun. Baka hindi tanggapin ni Bea ang lahat ng paliwanag ko.
“No,” matigas niyang sagot. “Sasama ako sa `yo. Besides, alam kong galit sa akin si Bea. So, kailangan din namin mag-usap. Ipapangako ko sa kanya na hindi na kita sasaktan. Na hindi na kita papaluhain. At kung paluhain man kita, hindi dahil sa sakit kundi sa sobrang kaligayahan.”
“But, Shaun...”
Lumayo si Shaun sa akin. “No buts, Chin. Sasama ako sa `yo. Mag-aayos na ako.”
Hindi na niya hinintay `yong sagot ko dahil muli nang pumasok si Shaun sa kuwarto niya. Napahugot na lang ako ng malalim na buntong-hininga.
Nang matapos ako maglinis sa kusina, lumabas na si Shaun ng kuwarto niya na bagong ligo na.
“Let’s go,” sabi niya habang hawak sa kamay niya ang susi ng sasakyan niya.
“Maliligo pa `ko,” sagot ko. “Sandali lang.”
Lalampasan ko na sana siya nang bigla niya akong hilahin at yakapin na naman.
“Hindi mo na kailangang maligo,” sabi niya. “Mabango ka pa rin naman.”
Marahan ko siyang tinulak. “Heh! `Yang mga banat mo kaya ang daming napo-fall sa `yo!”
“What? Sa`yo ko lang sinabi `yon, `no!”
“Whatever!” sagot ko na hindi mapigilan ang ngiti sa mga labi ko.
“Mauuna na ako sa baba. Papainitin ko lang ang makina ng sasakyan.”
Mabilis na akong nag-ayos para hindi na kami gabihin ni Shaun papunta kina Bea. Nang matapos ako sa pag-aayos sa sarili ko, agad na akong lumabas ng unit at nagtungo sa parking lot ng building.
Nasa gilid si Shaun ng kotse niya at nakatayo. Napatingin siya sa akin nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanya. Titig na titig lang siya habang naglalakad ako na hindi inaalis ang mga mata niya sa akin. Nakakailang tuloy dahil parang may malalim siyang iniisip.
“Bakit ka ganyan makatingin?” tanong ko sa kanya.
May maliit na ngiti na sumilay sa labi ni Shaun.
“I’m just thinking you have a special power.”
“Ha?” Naguluhan ako sa sinabi niya.
“Like, how can you make yourself stand in front of me while you’re in my heart at the same time? How do you do that?” bilib na bilib niyang tugon.
Napatitig ako kay Shaun, saka napailing-iling.
“Ewang ko sa `yo. Baliw ka na talaga.”
Natawa siya. “Figures. Ganito pala kapag kasama mo ang taong mahal mo. Para kang nababaliw.”
Binuksan ni Shaun ang pinto ng sasakyan niya. Papasok na sana ako sa loob nang bigla niya akong hatakin palapit sa kanya. Until I realized what happened.
His lips met mine.
Hindi agad ako nakapag-react dahil biglaan ang nangyari. Magkadikit pa rin ang mga labi namin ni Shaun habang nakamulat lang ang mga mata ko. Si Shaun naman ang nakapikit. Nang ma-realize niya na para akong tuod, he opened his eyes without his lips leaving mine. Napangiti siya `tapos dahan-dahan nang naghiwalay ang labi naming dalawa.
Pakiramdam ko, matutumba ako dahil biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Mabuti na lang nakahawak ako sa balikat ni Shaun dahil kung hindi, bumagsak na ako sa lupa.
“Oh, my God,” sabi ko sa sarili ko. “That was my first kiss.”
“First kiss?” nakangising tanong ni Shaun. “That was our second kiss, Chin. Your lips’ taste is still the same. Always the sweetest.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Ha? Second kiss? First kiss pa lang!” pagpupumilit ko.
“Nope,” tugon niya. “Our first kiss happened during my seventeenth birthday,” he said then winked.
Nauna nang pumasok si Shaun sa kotse niya habang nakangisi.
At ako naman ay naiwan sa labas na nakanganga.
novelraw