Blackmail Bargain

Chapter 37



Chapter 37

"Buntis ako," basag ni Jessica sa katahimikan.

Halos malaglag ang panga namin Kristine sa sinabi niya.

IMPOSIBLE!

"Buntis ako," ulit niya.

Tiningnan ko ulit si Kristine but this time nakaget over na siya sa reaksyon niya kanina.

"Alam na ba ni Ross yan?" tanong ko. It's not that I'm concerned or what, curious lang ako.

Siniko naman ako ni Kristine at bumulong, "Naniniwala ka ba sa sinasabi ng babaeng yan??!"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kristine at naghintay ako ng sagot mula kay Jessica.

"Hindi pa niya alam per--."

"Wow ha! Should I be touched na sa amin mo unang sinabi yan?" I asked her sarcastically.

"Kaya ko ito sinasabi sayo ay para tigilan mo na si Ross. See? Magkakaanak na kami."

"At talagang nagpatanim ka pa sa kanya just to make sure na hindi na siya makakawala sayo? Ganun ka ba ka-obsess sa kanya?! Just so you know, there's a huge difference between sigurista and wais. Ikaw, sigurista ka pero hindi ka wais kasi ginawa at desisyon mo yan. Hindi mo man lang siya hinintay magdesisyon kung kailan niya gustong magpatali? Tsk. Tsk. So pathetic!" sermon ni Kristine.

"Mahal ko siya kaya ko ito ginawa," sagot ni Jessica at hinawakan pa niya ang tiyan niya.

Ghad! I never thought na ganito siya katanga. Coz if I were in her shoes, I wont do it. Kilala ko si Ross and I'm sure na hindi pa ito handa. Akala ko ba matagal na sila? Hindi pa ba niya kilala ng lubusan si Ross? I almost forgot, mas matagal ko nga palang kilala si Ross kesa sa kanya.

"Siguro naman maaawa ka sa bata, kaya lalayuan mo na siya!" sabi ni Jessica.

"More like naaawa ako sayo," sagot ko naman.

"Hindi mo ako kailangang kaawaan. See? Magiging isang pamilya na kami," sagot niya ng nakangiti.

Ngumiti din ako sa kanya.

"Oh well, congratulations then and goodluck!" bati ko.

At kitang kita ko sa peripheral vision ko ang pag-irap ni Kristine.

"Yun lang ba ang ibabalita mo? Na buntis ka? Sana nagpost ka na lang sa facebook gamit ang account ni Ross tutal dun ka naman magaling diba? Tapos magcomment ka, tapos buksan mo ulit yung account ni Ross at replyan mo ang sarili mo!"

"A simple congratulations is enough," sabi niya kay Kristine.

"Sige, ikaw icocongratulate kita sa idea mong yan because finally Ross' life will be miserable. Matagal kong hinintay yon."

Tumaas ang isa kong kilay habang nakatingin kay Jessica.

"Hindi kita masisisi na gusto mong maging miserable ang buhay ni Ross kasi hindi siya mapapapunta sa kaibigan mo eh," sagot ni Jessica kay Kristine habang nakatingin saken.

Ang isa kong kilay na nakataas ay lalo pang tumaas.

"Hindi ko na nagugustuhan ang lumalabas sa bibig mo. Nagtoothbrush ka ba?!" tanong ko. "Ano bang tingin mo kay Ross at sambang samba ka sa lalaking yon? Trophy ba? Feeling mo nanalo ka sa lotto at mapapunta siya sayo? O baka naman feeling mo sumali ka sa networking, and finally nakapag exit ka na ng napakalaking pera?! Jessica, wala kang kalaban kay Ross. Anong akala mo, iiyak ako dahil napunta siya sayo? Oh cmon! Hindi ako highschool na iiyak kapag iniwan ng boyfriend. Newsflash, madaming lalaki. Hindi ako mauubusan. Palibhasa kasi siya siguro ang nakauna sayo kaya ka ganyan magisip!"

"Wala kang karapatang husgahan ako!"

"Sino ang unang nanghusga? Sino ang naglakas ng loob na sumugod dito sa apartment and act like a boss na akala mo kung sino makapag-utos? I tried to be nice to you, but you flipped the bitch switch. Pinapasok kita na parang tao, pero nakalimutan ko na hayop nga pala ang pinapasok ko. Kung buntis ka, eh di wow! Hindi mo ako kailangan sabihan na layuan si Ross dahil lang buntis ka. Huwag mo ngang gamitin ang bata. Anong klase kang ina! Kung mahal ka talaga ni Ross hindi ka dapat natatakot ngayon at susugod dito. Wag mo akong subukan, Jessica. Dahil kapag ako ang nainis lalo sayo, mas mawawalan ng ama ang anak mo!"

Mukhang nasindak naman siya sa sinabi ko dahil mabilis pa sa alas kwatro eh lumabas na siya ng apartment.

"Buntis ang gagang yon?!"

Hindi pa din makapaniwala si Kristine nang maiwan kaming dalawa sa sala.

"Sinasabi ko na nga ba eh. Dapat talaga hindi lang Facebook ang libre eh. Dapat pati Google libre na din para naman bago may lumabas na salita sa bibig na babaeng iyon ay mai-google niya muna. Hindi ata niya alam ang salitang buntis. Sabi ni Ross hirap siyang makahalik sa babaeng iyon tapos ngayon buntis? Aba, level up! Mahusay. Nagpatanim."

"Sa totoo lang natatawa ako sa kanya kanina eh. Sa pagiging desperada niya. Hindi na lang talaga ako nakapagpigil sa mga binibitiwan niyang salita kaya nakapagsalita ako ng ganun," sabi ko.

"Naguguilty ka ba sa mga sinabi mo?" pagtataka ni Kristine.

"I just realized na dapat mas masahol pa sa mga yun ang sinabi ko."

Ngumiti siya.

"Okay lang yun. Siya ang masindak ngayon. Pero alam mo friend tingin ko tama ka. Tingin ko si Ross ang nakauna don kaya siya ganun. Maria Clara ang peg!"

"At ano ang nangyari kay Maria Clara?" tanong ko.

"Namatay," sagot ni Kristine.

"Corrected by! Ang galing mo talaga friend!" at nag high five kaming dalawa.

"Hello! Favorite ko kaya Filipino noong highschool!" banat ni Kristine. "Pero friend, naniniwala ka ba na buntis siya?"

"Babae siya, lalaki si Ross. Yun ngang walang relasyon nagkakaganun, yun pa kayang meron?"

"But as per Ross, she's so frigid."

"Frigid nga siya pero anong malay natin diba? Baka yun na lang ang naiisip niyang paraan para hindi makawala sa kanya si Ross. Hindi natin siya masisisi kung ganun siya mag-isip or let me rephrase it. Hindi natin siya masisisi kung hindi siya nag-iisip," sagot ko. "Ikaw? Gagawin mo ba kay Simon ang ginawa niya?"

"Hindi ah! Hindi ako tanga! Hindi naman niya ako katulad mag-isip. Kung takot siya na iba ang makatuluyan niya kasi nga si Ross ang nakauna sa kanya, wala naman tayong magagawa doon. Kung gusto niyang maging sigurista, desisyon niya yun. Basta ako, may tiwala ako kay Simon ko. Hindi kailangang umabot sa ganun. Goodluck na lang kay Maria Clara!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.