Blackmail Bargain

Chapter 20



Chapter 20

Cyrah’s POV

“Ahh! Ahh!!”

Napakunot ang noo ko sa naririnig ko. Tiningnan ko ulit ang screen ng phone ko kung si Kristine nga ba ang caller at si Kristine nga ito.

“Hello..” tawag ko.

“Ahhh! S-simooonn!!”

Tuluyan ng nagsalubong ang kilay ko! Langya! Tatawag lang siya para iparinig sa akin na nagaano sila??

“Hello!! Kristine!!”

Pero puro moans lang ang naririnig kong sagot. Ano kaya yun? Tatawag tawag di naman magsasalita! I ended the call and dialed her number. Matagal pa nga bago niya sinagot ang tawag ko. Habang nagriring ito, pumasok ako sa banyo, kumuha ng towel at tinakluban ang hubad kong katawan.

“Cyrah ano ba? Alam mo ba kung anong oras na? Siguraduhin mo lang na importante ang tawag mong yan ha, busy ako. Busy talaga,” sabi niya sa mahinang tono. Pagod pa ata ang bruha!

“Oo, alam kong busy ka, at yon na naga ang ipinagtataka ko eh. Busy ka pero nagawa mo pa akong tawagan? Ano nang-iinggit ka at ginagawa niyo yon? Hoy! FYI, we were about to do it na din kung di ka lang nangistorbo!” mayabang kong sabi.

“Ano?! Anong sinasabi mo? Ako istorbo? Sino kaya ang tumawag?”

I rolled my eyes.

“Sino ba yang kausap mo?” narinig ko pa sa kabilang linya. Im sure it’s Simon.

“Cyrah, teka nga! Anong sinabi mong you were about to do it? Don’t tell me??” sigaw ni Kristine.

Nakagat ko ang labi ko. Sinabi ko ba talaga sa kanya yun?

“Ah.. Eh..”

“Ummm. Uhmm.. Babawiin pa, nasabi na? Akala mo di kita kilala?! Cyrah, ano ka ba?! You’ll ruin our plan! Ayaw mo na bang gumanti sa kanya? Kakalimutan mo na lang ba lahat? Nako kapag ganyan ka ng ganyan, ipadadala na kita sa Amerika!”

Napakunot ang noo ko. Ayos mga trip ni Kristine ah!

“Amerika? Agad agad?”

“I thought I trained you enough? Pinakawalan lang kita ng konti, kumakagat ka na sa kanya?”

Napabuntong hininga ako. Kristine was right. Bakit nga ba ako nagpadala agad agad? Dapat siguro kahit nasa iisang bubong kami, I should keep my distance from Ross.

Stupid Cyrah, stupid!

Tinapik tapik ko pa ang noo ko. Naghanap ako ng damit sa banyo pero puro mga maduduming damit ko naman ang nandito. Namataan ko pa nga ang paborito kong Tshirt na may drawing na penguin. Gah! So lalabas ako ng nakatapis lang ng tuwalya?

Eh teka, ano bang inaarte ko, eh parang kanina lang wala naman akong kahiya hiya!

“Tatanungin kita, ayaw mo na bang gumanti sa kanya? Gusto mo ba i-delete na natin ang mga pictures?” tanong ni Kristine.

“No!” mabilis kong sagot. “Hindi ako magpapatalo sa kanya. Tuloy ang plano!”

Lumabas na ako ng banyo matapos naming magusap ni Kristine.

Nadatnan ko si Ross na nakasandal sa headboard ng kama. Tiningnan niya kaagad ako pagkapasok ko. Nagulat siguro siya na nakatapis ako ng tuwalya.

Tumikhim muna ako bago ako nagsalita. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Ayokong tumingin, baka bigla kong makalimutan ang pinagusapan naming ni Kristine.

“M-matutulog na ako,” sabi ko.

Hindi siya sumagot. At dahil wala akong natatanggap na sagot mula sa kanya, napilitan akong tingnan siya. Hindi pa rin siya nagsasalita nang tumayo siya. Papalabas na siya ng kwarto nang may maalala ako.

“Ah Ross..”

Tumigil siya pero hindi siya lumingon.

“Yung madumi kong damit, pakilabahan na nga pala. Salamat.”

Pagkasabi ko nun, lumabas na siya ng kwarto.

**

Kristine’s POV

Bitin.

Ang feeling na ayokong maramdaman na muntik ng iparamdam ni Cyrah kagabi! Sukat ba namang tawagan ako ng wala namang dahilan, at ako pa daaw ang unang tumawag? Bakit ko naman siya tatawagan sa gitna ng gera? Sigurado, napindot lang yun sa phone ko. Eh paano ba naman kasi si Simon, ang kulit kulit. Hihihi! Ang galing galing! Hihihi!

Anyway, enough of our intimate moments. Pribado kasi akong tao. Sasarilihin ko na lang yun. Pero ang hindi ko sasarilihin ay ang nakikita ko ngayon. Well, well, well. Tadhana nga naman oh! Sa dinami dami ng supermarkets eh bakit dito pa siya namili? Today is my day!

“Hi!” bati ko sa babaeng kumukuha ng whitening soap. Sinasabi ko na nga ba eh, peke ang puti ng babaeng ito eh. Hiram na puti. Hiram na ganda. Ay! Mali, hindi nga pala siya maganda!

“Hi! Have we met?” tanong ng babaeng hiram ang puti. Eh kung iniuuntog ko kaya siya para maalala niya ako.

“Oo naman, ‘Matakot Ka sa Karma’ este Kulam, remember? Diba ikaw ang bida don?” tanong ko. Ewan ko na lang kung di mo pa ako maalala!

Tumaas ang kilay niya.

“Ikaw yung girlfriend ni Ross, right?” at sa tanong kong iyon, ngumiti siya.

“Ako nga yon,” sagot pa niya.

“I was right! Magaling kasi ako makatanda eh. You know, photographic memory. Ganun kasi talaga kapag matalino ka. Sayang hindi mo pala agad ako nakilala. Anyway, bakit hindi mo siya kasama?”

“Lumipat kasi siya ng tirahan eh. Nagpapahinga siguro,” sagot niya.

“Ay oo nga pala, siya nga pala yung sinabi ng boyfriend ko na lilipat sa apartment ng friend namin.”

“Sa apartment ng friend mo lumipat?” tanong niya.

“Oo, kakasabi ko lang, kaloka ka!”

May pagka-slow pala itong girlfriend ni Ross.

“Alam mo ba kung saan ang apartment na yon?” tanong niya ulit.

“Oo naman, sa friend nga namin diba?”

Isa pang tanong na ganun ulit ang sagot, I swear pepektusan ko ang babaeng ito.

“Pwede mo bang ibigay sa akin ang address?”

I looked at her.

“Why?” tanong niya.

“Wala lang. It’s just that nagtataka ako kasi girlfriend ka niya pero hindi mo pala alam kung saan lumipat ang boyfriend mo?”

“B-busy pa siguro siya,” nagaalangan niyang sagot.

Tumaas ang isa kong kilay.

“If you say so.”

Ibinagay ko naman sa kanya ang address. I know, I know, andun si Cyrah. Kung di nga lang ako nagmamadali baka ihatid ko pa itong si Ms. Prim and Proper sa apartment ni Ross para masaksihan ko ang eksena. Pasalamat siya!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.