Chapter 14
Chapter 14
CYRAH's POV
Handang handa na ako sa kasal ng pinsan ni Kristine pero syempre mas handang handa si Kristine.
"Cyrah, pakizipper naman please," pakiusap niya. Tinutukoy niya ang zipper ng gown niya sa likod.
Lumapit siya sa akin at ginawa ko naman ang pakiusap niya.
She's wearing a color red gown na hanggang tuhod and backless.
"Pakiayos na din ng tali," dagdag pa niya.
"Grabe Kristine, hindi ka pa ikinakasal, inaalila mo na ako. Bridesmaid na bridesmaid na ang peg ko nito!" reklamo ko.
"Hayaan mo na, maganda ka naman!"
"Hay, naku. Magsabi ka naman ng mga bagay na hindi ko alam," sabi ko.
Tumawa siya.
"Kamusta ang date nyo ni Ross?" tanong niya habang itinatali ko ang ribbon sa likod niya.
Hinigpitan ko ang pagkakatali.
"Aray naman Cyrah, si Ross ba ang gusto mong patayin o ako?" reklamo ni Kristine.
Inaayos ko na ang tali at tinapos ko na din.
"Ayun, sinabi ko sa kanya na kailangan niya akong paglingkuran."
Hinarap niya ako.
"Paglingkuran?? Ano ka, prinsesa??!"
Palipad buhok.
"Hindi. Kasi ako ang reyna!"
"Sasabay ka ba sa amin ni Simon?" tanong niya habang nagreretouch ng make up.
Nagsuot na ako ng stiletto.
"Nope. Susunduin ako ni Roos," taas noo kong sagot.
"Wow! Level up. Eh asan na?"
"Tatawagan ko," sagot ko and I dialed his number.
“WHAT?” bungad sa akin ni Ross.
“Diba may pinagusapan na tayo? Kaunin mo na ako dito sa apartment. Kailangan ko ng serbisyo mo!”
Then I ended the call.
Kailangan ko naman talaga ang serbisyo niya. Kailangan niya akong pagsilbihan.
“Serbisyo?” takang tanong ni Kristine.
“Oo, serbisyo. Gagawin niya lahat ng gusto ko,” sagot ko.
“Para kang bumabayad ah. Sabagay, malaki naman talaga ang utang niya sayo.”
“Aha! At ito na ang simula ng paniningil ko.”
Natigil ang paguusap naming dalawa ng biglang may bumusina. It’s Simon.
“Are you sure hindi ka sasabay sa amin?” tanong ulit ni Kristine.
“Mauna na kayo. Dadating din si Ross.”
“O sige, magkita na lang tayo mamaya sa kasal.”
Inihatid ko pa siya hanggang sa may pinto.
Lumipas ang sampung minuto at walang Ross na dumadating. Naiinis na ako ng konti. Konti lang. Bawal mastress. Kailangan maganda today, I mean everyday. I dialed his number again.
“Ano bang problema mo?” bungad niya. Yung inis kong konti eh nadagdagan ng mga three percent.
“Serbisyo,” sagot ko.
“Kanina ka pa serbisyo ng serbisyo, di kita naiintindihan. Busy ako!”
Aba, sumisigaw na. Twenty percent ang nadagdag sa inis ko.
“Serbisyo meaning pagsisilbihan mo ako. Nagusap na tayo tungkol dito diba? O baka naman gusto mong magfacebook ako ngayon at i-tag na lang ang girlfriend mo sa mga pics na nasa akin?” hamon ko sa kanya. Then naisip ko hindi ko nga pala girlfriend ang suso na yon. Ok lang, private message will do.
“Damn Cyrah!”
“I’m still waiting at naiinip na ako,” pagkasabi ko noon I ended the call. Naupo ako sa couch at walang ibang choice kundi hintayin ang pagdating ni Ross. Dadating siya. I know.
And I was right. Makalipas ang ilang minuto, huminto na ang isang kotse sa harap ng apartment. Aayaw ayaw pa niya eh mukha namang pinaghandaan niya ito. Eh paano naman kasi akmang akma sa okasyon ang suot niya at talagang mukhang nangaasar ang tadhana, he’s wearing the same color of my dress. Damn!
Lumapit ako sa kanya at pansin ko ang pagkunot ng noo niya.
“Alam mo, mabilis kang tatanda sa ginagawa mo,” pangaasar ko sa kanya. Binuksan niya ang pinto na kotse at pumasok ako sa loob.
“Mabilis talaga akong tatanda sa mga kalokohan mo. Huli na to,” pahabol pa niya bago niya tuluyang isara ang pinto. Sumakay na din siya.
Humarap ako sa kanya habang nagmamaneho siya. “Nagsisimula pa nga lang tayo, sumusuko ka na?” May halong lambing sa boses ko.
“Wala tayong sisimulan, Cyrah.”
“Eh anong tawag mo dito sa ginagawa mo? Simula na to, uy!”
“Katulad ng sinabi ko, this will be the last! Hindi mo ba alam na iniwan ko ang girlfriend ko because of this?!”
“O? Iniwan mo na? Break na kayo?”
Tumawa siya ng bahagya.
“Hindi kami maghihiwalay.”
Humarap na ako sa daan at inayos ko na ang upo ko.
“Sabi mo lang yan,” bulong ko.
Naramdaman kong sumulyap pa siya sa akin.
Nakarating kami sa simbahan at nakapagmartsa na sila. I saw Kristine. Patapos na nga ata eh. Nakakainis talaga si Ross, kanina ko pa sinasabi sa kanya na bilisan niya ang pagmamaneho pero ayaw niya, nag-iingat daw siya. Nag-iingat? Naku, dapat sa akin siya magingat! If I know, sinadya niya lang talagang bagalan ang pagmamaneho para malate ako. Yung twenty percent na dagdag sa inis ko eh naging forty na!
Nang nagpapalitan na ng wedding vows sina Leah, ang pinsan ni Kristine. Napalingon ako kay Ross and I saw him staring at me. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong magiwas ng tingin pero hindi ko magawa at hindi ko alam kung bakit. Siya kaya ang maunang mag-iwas! Lintek naman oh! Pasaway din itong isang ‘to eh.
“Ah, hija, matutunaw na ‘yan.”
Bigla na lang akong may narinig na matandang babae na nagsalita sa tabi ko. Matutunaw? Kanina pa ba siyang nanonood sa titigan namin ni Ross? Namula ata ang pisngi ko at iyon ang nakapagpaiwas ng tingin ko sa gwapong lalaking nasa harapan ko. Narinig kong nagsalita ulit ang matandang babae.
“Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ikaw talagang bata ka, punasan mo ng panyo. Kumakalat na ang tsokolate sa kamay mo.”
Napakunot ang noo ko at nilingon ang matandang babae na katabi ko. Napabuntong hininga ako sa nakita ko. May kasama siyang bata na sa tingin ko ay nasa apat na taong gulang at obviously siya ang kinakausap ng matanda. Kumakain ito ng chocolate.
What made me think na ako ang kausap niya kanina? Stupid Cyrah! Sinayang mo ang moment.
Nang makabawi ako sa pagkahinayang, sinulyapan ko ulit si Ross. Hindi na siya nakatingin sa akin, so nakasideview na siya. Lintik na lalaki to, kahit anong anggulo, gwapo parin. Iniwas ko na agad ang tingin, mahuli pa ko nito eh.
Hindi naman ganung kadami ang tao, pamilya lang ng ikinasal at piling kaibigan. Masasabi kong simple lang ang kasalan na ito.
Syempre magkasama pa rin kami ni Ross sa reception. Kasama namin sa table si Simon. Syempre nakahiwalay sa amin si Kristine kasi nga abay siya. But since maliit lang naman ang venue, halos katabi na din namin. Ang nakakapikon lang eh ako ang kasama nitong si Ross pero ang isip niya ay nasa phone niya. Kanina pa siya check ng check ng phone niya. Kahit noong kumakain na kami, actually para ngang hindi na naman niya ginagalaw ang pagkain niya eh.
Nang matapos kaming kumain, bigla na lang itinapat niya sa tenga niya ang phone niya at obviously may kausap na siya. At sino pa ba naman ang kakausapin niya? Alam nyo na.
“No, love.. Yes, magkikita tayo later. I assure you. .” sabi ni Ross sa kausap niya. Sabi ko na eh si suso ang kausap niya eh.
Bigla na lang nabaling ang atensyon ko sa mga bisita when I heard the clinking of glasses. Sunod na napagbalingan ng atensyon ko ay ang newlyweds. Naghihiyawan na rin ang ibang bisita.
“Yes. K-kasal kasi ng pinsan ng kaibigan ko eh. Y-yah. Patapos na naman. I’ll text you later.”
Nakatitig ako sa kanya habang nagsasalita siya at hanggang ibaba niya sa mesa ang phone niya.
“What?” singhal niya sa akin.
“Nothing,” sagot ko.
“Nothing? You’re staring at me tapos nothing?”
“Iniisip ko kasi kung saan tayo pupunta mamaya,” sabi ko.
“You wish Cyrah! Pinagbigyan na kita ngayon. Enough.”
Enough pala ha? Inilabas ko ang phone ko mula sa bag ko at itinabi ko sa phone niya sa mesa. May pinindot akong button para makita niya ang wallpaper ko.
Isaw him clenched his jaw. That’s it! Ang maasar ang lalaking ito ang isa sa kinatutuwaan ko. Nilapitan kami ni Kristine at umupo siya sa bakanteng silya katabi ni Simon.
Nakuha ang atensyon naming lahat ng magsalita ang host at sinabing kailangang magpunta sa unahan lahat ng single ladies. I guess, mga abay lang naman so cool lang akong nakaupo at handang manood sa kanila. Malapit lang naman kami so mageenjoy ako nito sa panonood.
“Let’s go, Cyrah,” yaya ni Kristine.
“No. Go ahead. Hindi naman ako abay,” sagot ko.
“So? You’re single anyway.”
“Ikaw na lang. Tapos saluhin mo na agad ang bouquet para tuloy simbahan na kayo ni Simon,” at tumingin ako kay Simon. Ngumiti naman ito.
“LAHAT PO NG SINGLE LADIES..” sabi ng host.
“See? Lahat talaga. Halika na,” pilit ni Kristine. Hinila pa ako sa braso na parang bata. Tinititigan ko na si Kristine pero nakangiti lang ang loka.
Wala akong nagawa kundi sumama sa kanya and asked myself kung ano bang inaarte ko? Eh di hindi ko sasaluhin ang bouquet diba? As simple as that.
“Iba ang rules natin ngayon, kukuha ng pira pirasong flower ang bride from her bouquet at ihahagis niya ng sunod sunod, different colors at kung kanino ang naiiba, siya ang magiging kapartner mamaya ng makakakuha ng wedding garter na ihahagis naman ng groom. Remember, bawal munang ipakita ang inyong flower.”
Aba! Hindi ko talaga ipapakita ang flower ko noh!
Then I blinked. Seriously? At kelan pa naiba ang rules na yan? Matagal na ba akong hindi nakakaattend ng kasal at binago na pala? Tell me, sino ang nakaimbento ng rules na yan? Ipapatumba ko! Grrrr!
“Ready?”
Nagsimula ng maghagis si Leah. Kailangan kong makiagaw syempre. Hindi ko naagaw ang unang bulaklak na inihagis ni Leah. Yung pangatlo ang naagaw ko. Pito kaming babae na nagaagawan. Ang panglimang hagis ang nakuha ni Kristine. Doon ko lang narealize na ang unti pala namin, at sigurado marami pang single ladies na bisita ang hindi sumali. Naisahan ako ni Kristine dun ah!
I never got the chance to ask Kristine kung anong kulay ang nasa kanya. Magkalayo kasi kami. Pang anim ako, pangalawa si Kristine.
“Whoever got the color red na flower, siya ang magiging kapartner mamaya,” sabi ng host.
Sinilip ko sa palad ko ang flower na naagaw ko. I smiled nang makita kong color pink siya. Inisa isa na ng host ang bawat isa sa amin.
“Yellow, blue, yellow, blue, green..” announce ng host.
It’s my turn.
“RED!” sigaw niya ng makita ang hawak kong bulaklak.
Red?? Kelan pa naging red ang pink?? Don’t tell me may nag-imbento na naman niyan?!
“Red? Hindi ba pink to?” tanong ko. I swear pink talaga ang nasa akin.
Nilapitan niya ang huli babae na katabi ko and she announced, “green!”
“Miss, can you step forward please?” sabi niya at wala na naman akong nagawa kundi sumunod. Itaga nyo sa bato, pink talaga ang hawak ko, but since akin naman nga ang kakaibang kulay, ako talaga.
“Ngayon naman, lahat ng single na guys, please come forward.”
Nakita ko pang niyaya ni Simon si Ross pero umiling ang huli. Bakit ganun? Hindi nagawang pilitin ni Simon si Ross pero si Kristine, kulang na kaladkarin ako, babaeng yun talaga. Hindi tumulad sa boyfriend nya! At nagpapasalamat na din naman ako na hindi pumayag si Ross. Naiwan siya sa table mag-isa.
Kinuha na ng husband ni Leah sa legs niya yung garter. Yung mga guys naman nasa likod. Sa may likod din yung table namin kanina. Inihagis na ito ng groom. Napalakas ang hagis niya at lahat kami ay sabay sabay na sumunod ang tingin kung saan babagsak ang garter. Bumilis ang tibok ng puso ko.
It landed on Ross’ lap.
Damn! Kasali ba siya? Does this mean siya ang partner ko?
novelraw